top of page

PNP, nakapagtala ng 274,231 na mga paglabag sa quarantine sa kabila ng Granula Lockdowns

  • Writer: Jalen Rose Senal | Sumiklab
    Jalen Rose Senal | Sumiklab
  • Oct 26, 2021
  • 1 min read

Updated: Nov 23, 2021

Ni Jalen Rose Senal



MANILA, Philippines – Noong Martes, ayon sa Philippine National Police (PNP) ay nasa higit 274, 231 na katao ang naitalang lumabag sa quarantine protocol sa kalakhang NCR (National Capital Region). Nasa Alert level 4 ngayong ang mga lungsod at sumasailalim sa mga granular lockdowns.


Ang bilang ay base sa datos na inilabas ng PNP para sa mga petsa ng Setyembre 16 hanggang Oktubre 11 ng kasalukuyang taon. Tinaya na nasa 10, 574 na quarantine violations ang naitatala kada araw.


Ayon sa PNP, 192, 000 na paglabag dito ay sa minimum public health standards, 2,815 ay mga non-APORs (authorized persons outside residences), samantala 78,517 ang lumabag sa itinakdang curfew hours.


Ang karamihan o ang 110, 570 ng bilang ng mga lumabag ay binigyan lamang ng babala, 110,750 naman ang pinagmulta, samantala ang 17, 663 ay nakatanggap ng parusa.


Sa ngayon ang buong Metro Manila ay Alert Level 4 sa iniimplementang pilot testing ng bagong “five alert system” na nagsimula noong ika -16 ng Setyembre. Epektibo ang implementasiyon nito hanggang ika-15 ng Oktubre.


Comments


bottom of page