top of page

80 pamilya, nabiktima ng sunog sa lungsod ng Bacoor, Cavite

Writer's picture: Ayella Cremat | SumiklabAyella Cremat | Sumiklab

ni Ayella Russell Cremat | BA JOURN 3A


MAYNILA – Mahigit 80 na pamilya ang naapektuhan nang sumiklab ang apoy sa Bacoor City, Cavite. Napinsala ng nagliliyab na apoy ang residential area sa Bacoor, kung saan tumagal ng dalawang oras bago ito naapula. Ayon sa Bacoor City Fire Station, tinatayang nasa 50 magkakadikit na bahay ang natupok sa Pogi Street sa Barangay Niog 1. Naapula ang apoy ng alas 7:30 ng gabi at tinatayang 300,000 pesos ang halaga ng pinsala ayon sa Pasay B.S Tiger Fire Rescue. Wala namang naiulat na nasaktan at patuloy parin ang imbestigasyon ukol sa pinagmulan ng trahedya. Source: https://www.google.com.ph/.../80-pamilya-nasunugan-sa-bacoor Photo Courtesy: Kristoff Kulit & Bacoor DRRMO


3 views0 comments

Recent Posts

See All

Commenti


bottom of page