ni Kim Dominguez | BA Journ 3A
![](https://static.wixstatic.com/media/0eb92a_47a711f2a004467cb639739688e6eb4b~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_822,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/0eb92a_47a711f2a004467cb639739688e6eb4b~mv2.jpg)
Ayon sa Department of Health (DOH), nakapagtala ng 4,405 na bagong kaso ng CoVID-19 noong nakaraang Lunes, ika-25 ng Oktubre, kaya naman mayroon ng kabuuang bilang na 2,761,307 ang mga tinamaan ng CoVID-19 virus.
Ang naitalang 4,405 na kaso ang pangalawa sa pinakamababang kaso simula noong Agosto at mayroon lamang siyam na porsyento ang nagpositibo mula sa 47,731 na nagpa-test ngunit nakapagtala ng 149 new deaths kaya naman umakyat na ng 41,942 ang kabuang namatay sa CoVID -19 at mayroong limang laboratoryong hindi pa nakakapagpasa ng resulta.
Ang pagbaba ng kaso ay resulta ng malawakang pagbabakuna sa buong bansa na isinasagawa ng mga LGUs. Makikita rin ang resulta sa pagbaba ng bilang ng mga pasyente na dinadala sa mga ospital ganoon din ang pagdami ng mga lumalabas. Kumpiyansa ang OCTA research na patuloy pa ang pagbaba ng kaso dahil sa patuloy na pagbabakuna sa bansa.
Source: Inquirer.net
Comentarios