ni Ayella Cremat | BA Journ 3A
![](https://static.wixstatic.com/media/0eb92a_b3897f561fcd4e8eb876429edcca4334~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_822,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/0eb92a_b3897f561fcd4e8eb876429edcca4334~mv2.jpg)
Arestado kahapon ang suspek na si Ryan Lazaro, drayber ng pampasaherong jeep sa Imus, Cavite, matapos itago sa loob ng kanyang face mask ang ₱ 1,000 na bayad ng kanyang pasahero.
Ayon sa biktima na si Mylene Sanchez, nagbayad siya ng ₱ 1,000 para sa kanyang pamasahe, ngunit nagalit sa kanya ang driver at ibinalik ang kanyang ibinayad.
Doon niya napagtantong kalaboso ang drayber dahil pinalit nito ang kanyang binayad sa pekeng isang libong piso.
Matapos mapagtanto ang pang- gagantso, humingi siya ng tulong sa Philippine National Police o PNP ng Cavite upang arestuhin ang drayber.
Nakuha naman sa loob ng face mask ng drayber ang totoong isang libo.
Source: Go Cavite
Photo Courtsy : https://depositphotos.com/
Comments