top of page

Official Jingle para sa PhilSys, mapapanood na!

Writer's picture: Alysa Ciene Alcantara | SumiklabAlysa Ciene Alcantara | Sumiklab

ni Alysa Cience Alcantara



Ilalabas na sa publiko ang opisyal na jingle kasama ang mga napiling ambassador para sa adbokasiya sa likod ng pagkakaroon ng PhilSys registration gamit ang islogan na “#IDNatin ‘to!” ngayong ika-25 ng Oktubre, araw ng Lunes.


Ang tinaguriang Pop Star Princess na si Sarah Geronimo at ang kaniyang esposong si Matteo Guidicelli ang mga idineklarang ambassador para maging katuwang ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa pagsusulong ng kampanya para maengganyo ang mga kababayang hindi pa nagkakaroon ng tiyansang makapagparehistro para rito.


Masasabing tagumpay ang paglulunsad ng online registration bilang unang hakbang nitong ika-30 ng Abril sapagkat napupuno pa rin ang appointment slots sa itinalagang registration centers sa bawat lalawigan sa Pilipinas. Marapat lamang na may matanggap na confirmation text message o e-mail para sa Appointment Reference Number o ARN na hinihingi sa opisina bilang ikalawang hakbang ng proseso.


Kaalinsabay rin nito ang pagkuha ng biometric information at pagbeberipika ng identity documents na pasok sa kanilang listahan na matatagpuan din sa kanilang website. Magbibigay ng transaction slip ang staff na magsisilbing patunay kapag iki-claim na ang national ID card.


Ang ikatlong hakbang ay ang pagdadala na ng pisikal na kopya ng PhilID at PhilSys Number (PSN) sa address na inilagay ng registrants sa kanilang ipinasang form.


Kung ikaw ay hindi pa nakakapagpa-rehistro, maaaring bisitahin ang link na ito: https://register.philsys.gov.ph/

Source: Philippine Statistics Authority

3 views0 comments

Comentários


bottom of page