Ni Ayella Cremat
![](https://static.wixstatic.com/media/0eb92a_9c04a7619b084cd9baf429345712fc6e~mv2.png/v1/fill/w_940,h_788,al_c,q_90,enc_avif,quality_auto/0eb92a_9c04a7619b084cd9baf429345712fc6e~mv2.png)
Nadurog ang puso ng mga netizens matapos ibahagi ng isang volunteer medical technologist ang sulat na natanggap ng kanyang pasyente, Oktubre 12, 2021 sa Philippine General Hospital.
“Dipa nagpunta si Jella dito. Wala na akong pambili ng kailangan mo, wala narin akong pambili ng pagkain dito.” Ito ang sulat na ibinahagi ni Ara Dela Cruz, 24, galing sa asawa ng kanyang pasyente.
Pahayag ni Dela Cruz sa kanyang post, naantig ang kanyang puso at agad na tinanong ang pasyente kung ano ang kanyang kailangan upang mahanap niya asawa nito at makapag paabot ng tulong.
Gayunpaman, ganito lamang ang pahayag ng pasyente: “Kahit ‘wag na po yung kailangan ko. Siya na lang po. Wala pong pera yon, buong araw na po ‘di kumakain yon.”
Matapos marinig ang sagot ng pasyente, hindi niya naiwasang ibahagi ito sa social media.
“You are so blessed. Unlike you, other people are barely making it. So please give more kindness and love. And don’t forget to be grateful. Every day,” pahayag ni Ara sa kanyang post.
Umani naman ito ng mga reaksyon at komento. Marami rin ang nagpaabot ng tulong sa pamamagitan ng Gcash account ng asawa ng pasyente.
Source: The Philippine Star
📷: Ara Dela Cruz
Comments