top of page

Tagaytay City, nakamit na ang Herd Immunity

Writer's picture: Kim Vincent Dominguez | SumiklabKim Vincent Dominguez | Sumiklab

Updated: Nov 23, 2021

By Kim Vincent Dominguez






Dahil sa umabot na sa bilang na 58,636 ang bakunadong mamamayan sa lungsod ng Tagaytay, sa wakas ay nakamit na nila ang Herd Immunity.


Ayon sa pahayag ni Tagaytay Hon. Athena Tolentino, para makamit ang Herd Immunity sa CoVID-19 ay kinakailangang mabakunahan ang halos lahat ng mamamayan ng Tagaytay na may kabuuang populasyon na 83,320 katao.


Ngayon ay nabakunahan na ang 70% ng mga nakatira dito kaya masasabing nakamit na nila ang herd immunity. Ang Tagaytay City rin ang unang lungsod sa rehiyon ng CALABARZON na nagkamit ng Herd Immunity ayon sa DOH Region 4-A.


Dahil sa kagustuhan ng mga mamamayan ng Tagaytay na maging ligtas, ang dapat na target ng lungsod na 600 na bakuna ay umabot sa bilang na 1,500-2-000 kaya't nagpasalamat naman at nagpahatid ng pagbati ang Tagytay City Health Officer, Dr. Liza Capupus at ganoon din si Mayor Agnes Tolentino dahil sa kooperasyon ng mga residente.


Ngunit nakamit man ng Tagaytay ang Herd Immunity, nagpaalala si Dr. Liza Capupus na mag-ingat pa rin sa virus upang maiwasan ang pagdami ng kaso at makamit na rin ang herd immunity ng buong bansa.


1 view0 comments

Comments


bottom of page