top of page

Bagyong Maring, nag-iwan ng 11 patay na katao

Writer's picture: Jasper Lloyd Joloan | SumiklabJasper Lloyd Joloan | Sumiklab

Updated: Nov 23, 2021

Ni Jasper Joloan






Nitong Martes, Oktubre 12, naramdaman ang bugso ni Bagyong Maring sa Hilagang Luzon. Sinalanta nito ang Rehiyon ng Ilocos, Cagayan at nalalabing parte ng Cordillera Administrative Region, habang naramdaman din ito sa Palawan na nagdulot ng malawakang pagbaha sa nasabihing probinsya.


Ayon kay Ilocos Civil Defense Mark Masudog “A search and rescue operation was launched for a 33-year-old woman from Badoc town, also in Ilocos Norte, who was swept away while crossing the raging waters of Badoc river together with three others on board a cart being pulled by a carabao. In Cagayan, a woman, also 33, from Iguig town, drowned in the Cagayan River on Tuesday morning when she was also swept away by its strong currents. Widespread flooding also hit the provinces of Pangasinan and La Union where at least 1,100 individuals have been evacuated”.


Hanggang ngayon ay pinaghahanap parin ang mga nawawalang tao na nilamon ng baha. Sa datos na ginawa ng mga Local Disaster Unit, nag-iwan si Maring ng 11 patay at 22 na nawawala na hanggang sa ngayon ay pinaghahanap pa rin.


Pinaalalahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang publiko na kahit nasa evacuation center ay kailangang obserbahan maging ang minimum public health measures.




4 views0 comments

Comments


bottom of page