top of page

DepEd: Humigit 2,000 estudyante sa Metro Manila ang nakatakdang bumalik sa Face-to-Face Classes

Writer's picture: Kim Vincent Dominguez | SumiklabKim Vincent Dominguez | Sumiklab

ni Kim Dominguez | BA JOURN 3A


Mahigit 2,000 estudyante sa mga pampublikong paaralan ng Metro Manila ang nakatakdang bumalik sa limited face-to-face classes ngayong Lunes batay sa opisyal ng Department of Education (DepEd) na sinabi nitong Linggo, Disyembre 5. Ayon sa DepEd, suma-total na 177 public schools ang lumahok sa pilot run ng limited face-to-face classes ngayong Lunes at 28 dito ay nasa Metro Manila. “Inaasahan po natin na mayroon tayong mahigit 2,000 mga bata sa key stage Kinder 1 to 3 at sa Senior High School kulang 300 pong mga estudyante (We expect to have more than 2,000 students from Kinder 1 to 3 and more or less 3000 students from Senior High School),” saad ni DepEd National Capital Region Regional Director Wilfredo Cabral sa kaniyang panayam sa TeleRadyo. Sinisigurado naman ng DepEd ang proteksyon ng mga estudyante na lalahok sa limited face-to-face classes at sinigurong mabuti ang mga safety equipments na gagamitin sa pagbabalik ng mga estudyante mula sa social distancing, face mask at face shield, alcohol at sanitizer. Sinabi rin ng DepEd na kung magkakaroon man nang kaso ng CoVID-19 kahit isa at ng kahit anong variant ang mga guro o estudyante ay agad na ipahihinto ang face-to-face classes. Article Source: Manila Times


2 views0 comments

Comments


bottom of page