top of page

Unang Ginang ng Imus, nanguna sa pagbibigay ng tulong sa gitna ng Pandemiya

Writer's picture: Alysa Ciene Alcantara | SumiklabAlysa Ciene Alcantara | Sumiklab

Updated: Nov 23, 2021

Ni Alysa Ciene Alcantara




Naihatid ang tulong para sa mga Imuseño sa pangunguna ng unang ginang ng bayan na si Jelyn Maliksi nitong ika-8 ng Oktubre, araw ng Biyernes.


Kalakip sa post sa kaniyang Facebook page ay ang mga larawan kuha ang kanilang isinagawang pagtulong sa mga residente ng Imus.


Ayon dito, nagkaroon ng tatlong bahagi ang kanilang lakad – nakapamahagi sila ng mga wheelchair at nakapagtanim ng mga puno sa tulong ng Inner Wheel Club of Mutya at Rotary Club ng munisipalidad.


Nabanggit ding nakapagbigay ang kanilang grupo ng limampung learning packages at limampu ring CoVID-19 essentials sa Brigadahan na naganap sa Pasong Buaya 1 Elementary School sa tulong naman ng Imus National High School.


Lingid sa kaalaman ng karamihan na isa rin sa mga lugar na may mataas na kaso ng CoVID-19 positive ang Cavite dahil sa dami ng bilang ng mga empleyadong paroo’t parito sa kalakhang Maynila.


Ngunit tulad na lamang sa kanilang islogan, #TuloyAngSerbisyo sa ating mga kababayang Imuseño” sa kabila ng pandemyang hatid ng virus.


Source: Jelyn Maliksi Facebook page, Emmanuel Maliksi Facebook page



6 views0 comments

Comments


bottom of page