ni Alysa Ciene Alcantara | BA JOURN 3A
![](https://static.wixstatic.com/media/0eb92a_1b707579f77845768ad988086328b415~mv2.png/v1/fill/w_940,h_788,al_c,q_90,enc_avif,quality_auto/0eb92a_1b707579f77845768ad988086328b415~mv2.png)
Damang-dama na ang diwa ng kapaskuhan sa munisipalidad ng Imus sa kabila ng pandemiya sa pagbubukas ng Vermosa Food and Lifestyle Market nitong ika-5 ng Disyembre, araw ng Linggo. Idinaos ang ribbon cutting kahapon sa pangunguna ni Mayor Emmanuel Maliksi kasama ang iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan bilang pagpapaunlak sa imbitasyon ng mga nangangasiwa sa lugar. Ani sa Facebook post sa opisyal na pahina ng alkalde, malugod na pinaaanyayahan ang mga residente na bumisita kasama ang kanilang pamilya ngunit ipinagdiinan din ang mahipit na pagsunod pa rin sa mga ipinatutupad na safety protocols at social distancing. Sa bahagi naman ng mga komento sa naturang post, anila ay matatagpuan ang tambayang ito sa Vermosa Open Area, Daang Hari Road, Imus City, Cavite. Ayon naman sa ilang taong nakarating na ay nabanggit na maaaring magsama ng mga alagang hayop ngunit kinakailangang suotan ito ng diaper upang mapanatili ang linis ng lugar. Marami-rami pa ang hinaing ng mga sumubok na maranasan ang sayang hatid ng food park kagaya ng parking space, disiplina sa pagtatapon ng basura at iba pa na inaasahang masosolusyonan sa madaling panahon. Tulad na lamang ng sinabi ni Mayor Maliksi, "Huwag lang kalilimutan ang pagsunod sa safety protocols para sa ligtas na pagbabalik ng maligayang #PaskuhanSaImus!" Source: Mayor Emmanuel Maliksi's Facebook
Commenti