ni Czarina Joy B. Llagas | BA JOURN 3A
![](https://static.wixstatic.com/media/0eb92a_143c1474ef294727bdff84fd493e097c~mv2.png/v1/fill/w_940,h_788,al_c,q_90,enc_avif,quality_auto/0eb92a_143c1474ef294727bdff84fd493e097c~mv2.png)
Nitong Lunes, ika-6 ng Disyembre, ang Pilipinas ay nakapagtala ng kabuuang 91,777,433 na bilang ng dosis ng bakuna kontra sa Corona virus na kung saan ay nasa mahigit kumulang 38 milyong bilang ng mga Pilipino na ang ganap na protektado laban sa panganib na dulot ng COVID-19. Sa kasalukuyan ay mayroong 1,497,212 na daily avarage rate ng pagbabakuna ang naisagawa sa makalipas na pitong araw. Ayon rin sa karagdagang tala ng DOH, mayroong kabuuang 9 na milyon na COVID-19 doses na ang naibigay simula nang limang araw na pagsasagawa ng "Bayanihan Bakunahan",na isinagawa mula Ika-29 ng Uktubre hanggang Ika-unang araw ng Disyembre na pinalawig pa hanggang ika-tatlong araw ng Disyembre. Samantala, ayon sa datos ng National COVID-19 Vaccination dashboard ay nagpapakita ng 53,098,886 na bilang ng mga Pilipino na ang nakatanggap ng kanilang first dose ng bakuna at 509,994 na bilang ng mga Pilipino rin ang nagpa-booster shots. Ilan rin sa mga health care workers, senior citizen at mga immuno-compromised na indibidwal ang nabigyan ng karagdagang doses ng bakuna. Sa ngayon ay nakatakda ang gobyerno na ulitin ang malawakang pagbabakuna na isasagawa mula ika-15 hanggang ika-17 ng Disyembre na may layuning daw na ganap na-mabakunahan ang 54 na milyong bilang ng Pilipino bago ang pagtatapos ng taong ito. Image and information source: PTV News
Comments