Ni Jasper Lloyd Joloan
![](https://static.wixstatic.com/media/0eb92a_4ce3fd7d421b41258b0ffba3797156a4~mv2.png/v1/fill/w_940,h_788,al_c,q_90,enc_avif,quality_auto/0eb92a_4ce3fd7d421b41258b0ffba3797156a4~mv2.png)
Naranasan mo na bang magka tigyawat? Ano ang iyong ginawa para mawala ito? Ano ang hakbang o paraan ang ginagawa mo para mawala ito?
Marami sa mga kabataan ang nakakaranas ng ganitong problema, problema sa balat at problema sa mukha. Kadalasang makikita ang problemang ito sa mga nagdadalaga at nagbibinata na kung saan nagkakaroon ng hormonal changes sa kanilang katawan. May iba naman na tumanda na’t lahat ay ‘di man lang tinubuan ni isang tigyawat. Ang iba naman bata palang sangkatutak na ang tigyawat sa mukha. Ang pagkakaroon ng tigyawat ay senyales rin na ikaw ay stress, ang iyong mukha ay marumi at ang pinaka dahilan ang ay pagharang ng hair follicle sa mukha at labis na (sebum) mantika sa mukha. Nakakawala ng confidence o low of self esteem kapag may tigyawat ka sa mukha dahil ang pagkakaroon ng clear skin ay isa sa dahilan para maboost ang iyong confidence. Para sa mga nagkaroon ng acne o tigyawat ay gumagastos ng malaki, ang iba naman bumibili pa ng mga beauty products para mawala ito at sa ibang walang pambili, ang kanilang tigyawat at kanilang pinaputok na nag reresulta sa pagka itim ng kanilang mukha.
May mga bagay o pagkain tayong makikita sa ating tahanan na pwede pang gamitin para maiwasan o humupa ang ating tigyawat o acne ang ilan dito ay maaari mo ring itanim. Ito ang mga sumusunod:
Ikaw ba ay desperado na at sumubok na ng maraming paraan at nagastos ng pagmamahal na beauty products? Halina at subukan ang mga natural na paraan.
1. Avocado/ Avocado Oil
- Una sa listahan ng prutas na avocado. Ang avocado ay mayaman sa nutrients at minerals at ito ay nagtataglay ng Vitamin C,K,B6 at Vitamin E na maganda para sa balat at ito rin ay may niacin, folate at ito rin ay nakakapagbigay ng lutein na nagbibigay linaw para sa mata at ito ay mayroon ding omega- 3 na maganda sa iyong kalusugan. Dahil taglay ng avocado ang Vitamin E na responsable para sa pagpapaganda at panunumbalik ng makinis na balat. Ang avocado ay maaaring magtanggal ng mga itim itim sa iyong mukha dahilan ng pagpapaputok ng tigyawat. Ang avocado oil ay nagtataglay ng anti inflammatory effects na makakatulong sa pag alis ng pagmamaga at pamumula ng tigyawat.
2. Colloidal Oatmeal (Dinurog na Oatmeal)
- Ang oatmeal ay kadalasang kinakain tuwing almusal kadalasan ito ay nilalagyan ng mainit na tubig at ito ay ready to eat na. Ang dinurog na oatmeal ay maari ring gamitin panlunas sa tigyawat at acne. Una durugin ang oatmeal na inyong mabibili hanggang sa ito ay maging powder at kapag ito ay malapulbos na ay patakan ng tubig na maligamgam at ipahid sa buong mukha. Ang oatmeal ay sinipsip sa iyong makating mukha dulot ng impeksyon ng acne at tigyawat. Ang oatmeal ay nagtataglay ng antioxidants na kung saan inaalis nito ay bacteria at iritasyon sa mukha. May nabibiling mga lotion na gawa sa Colloidal Oatmeal na mabibili sa mga beauty stores.
3. Yelo
- Ang yelo ay maaaring gamiting alternatibo sa paglunas ng acne at tigyawat dahil ang yelo ay sinasara ang mga bukas na pores sa ating mukha at inaalis din nito ang mga mantika dulot ng sebum sa ating mukha na nag reresulta sa paglitaw at pagkakaroon ng mga tigyawat. Ang paglalagay ng mga malalamig na bagay sa ating mukha ay makakatulong upang di dumami at kumalat ang acne at iniiwasan din nito ang pamamaga ng ating mukha.
4. Aloe Vera
- Kadalasan natin makikita ang aloe vera ay ginagamit sa pagpapakinis at pagpapatibay ng buhok pero alam niyo din ba na ang aloe vera ay pwede ring gamitin sa paglunas o paggamot ng ating tigyawat? Ang aloe vera ay nagtataglay ng skin soothing at ito rin ay may skin healing properties na maganda sa pampapaimpis ng pamamaga ng tigyawat at pagpapahilom sa mga malalaki at mapupulang tigyawat hanggang sa mabalatan at matuyo ang parte ng tigyawat.
5. Puti ng Itlog (Egg Whites)
- Marami sa atin ang mga may supply ng pagkain at ang isang bagay na hindi mawawala sa ating grocery ay ang itlog. Ang itlog ay madaling lutuin kadalasan ito ay piniprito, pinakukuluan at sinasahog sa mga lutuin. Ang itlog din ay maaaring ipahid sa parte ng may tigyawat upang sa gayon ay manuyo at madaling humilom ito. Sa paglalagay ng puti ng itlog ay nakakaramdam ka ng discomfort dahil mararamdaman mo sa pagkatuyo ng itlog ay may kukulubot kung saang parte mo ito nilagyan.
6. Quinoa
- Ang quinoa ay isang bulaklaking halaman na kung saan ang buto nito ay mayaman sa protina at ito ay maihahalintulad sa isang kanin pag ito ay naluto. Ang quinoa ay maaari ring ipahid sa mukha at puwedeng gamitin bilang facial cleanser.
7. Pulot- Pukyutan (Honey)
- Ang Pulot ay mayaman sa anti bacterial properties na kung saan inaalis nito ang mga dumi dumi sa ating katawan, ang pulot din ay nagtataglay ng soothing effect katulad ng sa aloe vera. Ginagamit din ang honey bilang pamalit kung ikaw ay walang aloe vera dahil ang mga bahagi na mayroon sa Aloe Vera ay makikita rin sa Honey. Maari mong lagyan ng Pulot ang iyong mukha at lagyan ng tela or plastic upang sa ganoon ay makita ang tunay na resulta ng Pulot.
8. Apple Cider bilang Toner
- Kung ikaw ay nagnanais na maglagay ng toner at sa natural na paraan ang apple cider vinegar ang para sa iyo. Ang Apple Cider Vinegar ay maikukumpara sa mga exfoliant products pero ito ay nature friendly di tulad na nabibili sa mga drugstore ay may halo nang gamot sa pag proseso nito. Ihahalo lang ang Apple Cider sa isang tubig pero ang paglalagay ng apple cider ay hindi marami dahil maaring mapaso, mapunit o makaramdam ng init na tila pinupunit ang iyong balat dahil sa taglay ng suka dahil may taglay ang suka na acetic acid na kung saan isa ding maituturing na cleaning agent. Ang Apple Cider ay nagtataglay ng antifungal properties na gamot sa tigyawat at acne. Sa isang solution (pinagsamang tubig at Apple Cider) isawsaw ang isang pirasong bulak at ipahid sa iyong mukha at bumilang lamang ng isang buwan o apat na linggo ay makikita mo ang resulta.
Lahat ng mga nabanggit ay lunas para mawala ang kalbaryo at tumaas na ang iyong self confidence pero huwag lang sana tayo laging umasa sa mga iyan dapat ay matuto tayong mag alaga ng ating katawan. Palagiang maghilamos, umiwas sa mga matatapang na beauty products at higit sa lahat magkaroon ng healthy diet dahil lahat ng nangyayari sa iyong katawan ay dulot ng bad health habits. May bagay na dapat iwasan sa pagpapahid nito sa mukha, maaring di natin alam na isa ito kung bakit tayo nagkaka tigyawat.
a. Coconut Oil
- ang coconut oil ay sinasabing alternatibong paraan para maibsan ang problema sa iyong mukha dahil ito ay galing sa kalikasan pero lingid sa ating kaalaman ang pagpapahid ng VCO (Virgin Coconut Oil) ay nakakapagambag sa pagdami ng sebum (mantika) sa iyong mukha.
b. Lemon Juice
- ang Lemon Juice ay masamang ipahid sa ating mukha dahil taglay ng Lemon ang Citric Acid na kung maaring magresulta sa pangangati bunsod ng asim nito, pagkatuyo na nagbunsod ng pagkakabitak ng iyong mukha.
c. Baking Soda
- Kadalasan ginagamit sa pagiiscrub sa mukha o kaya naman mask ang baking soda pero ang baking ay maaaring magresulta ng iritasyon at pagnipis ng balat sa iyong mukha. Maari rin din itong magdulot ng acne breakout.
Bukod sa ating mukha ay dapat isalang alang din natin ang ating kalusugan dahil ang buhay ay iisa lamang at sa oras na ikaw magkasakit o magkaroon ng komplikasyon ay dagdag pasanin sa atin.
“Health is Wealth” ika nga ng kasabihan ang kalusugan ay iyong kayamanan kaya dapat ito ay alagaan at ingatan tulad ng pagpapahalaga mo sa mahal mo sa buhay.
Source Taken: https://www.today.com/style/top-10-home-remedies-acne-according-dermatologists-t145253
Comments