top of page

Pinakamalaking Utang ng Pilipinas

Writer's picture: Kim Vincent Dominguez | SumiklabKim Vincent Dominguez | Sumiklab

Updated: Nov 23, 2021

Ni Kim Vincent Dominguez



Ang utang ay perang hiniram na dapat mong bayaran sa takdang panahon. Naitala ngayon ang pinakamalaking utang ng Pilipinas na umabot sa bilang na 11.92 trillion pesos. Ang halagang ito ay mula sa loob at labas ng bansa katulad ng mga bangko at malalaking kumpanya. Kaalinsabay nito noong Setyembre ang pagbaba ng halaga ng piso kung kaya’t mas naramdaman ang bigat ng kinakailangang mabayaran ng bansa. Ngunit bakit nga ba umuutang ang gobyerno? 11.92 trillion pesos? Sobrang laki, hindi ba? Saan ito napunta? Lahat ba ay ginastos para sa bayan?


Hindi naman lingid sa ating kaalaman na may kinakaharap tayong pandemya — dahilan upang karamihan sa mga negosyo at establisyimento ay tumigil sa paggalaw, pagdami ng bilang ng mga nawalan ng trabaho at kita, pagbagsak ng operasyon ng mga ospital dulot ng kakulangan ng pasilidad, kwarto, mga gamit at mga tao, maging ang pagbili ng sasapat na bakuna ang naging mga pangunahing dahilan kung kaya’t lumobo ang hiram na halaga ng Pilipinas. Ang tanong, bakit lumaki nang ganito? Naging sapat ba ito para umunlad o umangat tayo? Nagastos ba itong lahat? Tayo ang kailangang humusga tungkol diyan at tingnan kung may nangyari ba mula noong napasakamay ng ating pamahalaan ang perang ito hanggang sa kasalukuyan.


Kung susumahin, hindi naman lahat ito ay nakuha lamang ngayong administrasyon. Ito ay ang pinagpatong-patong na utang mula sa magkakaibang administrasyon sa kagustuhang mapaunlad at hindi mapag-iwanan ang Pilipinas. Ang tanong ngayon ay kailan ito mababayaran? Liliit ba ito sa mga susunod na taon o mas lalong lalaki? Sa huli ay alam naman nating lahat na tayong mga Pilipino pa rin ang magbabayad ng utang ng ating sariling bansa.




7 views0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


bottom of page